MAHIGIT sa isangdaang kabahayan ang nasira nang mamerwisyo ang isang buhawi sa South Cotabato nitong Biyernes ng hapon (Mayo 24).
Sinabi ng mga residente sa Purok People’s Village sa Barangay Cannery, Polomolok, South Cotabato, na nagsimula ang lahat sa masamang panahon nang biglang sinuyod ng malakas na hangin ang kabuuann ng lugar dakong 1 p.m.
Ang buhawi na tumagal ng halos limang minuto, ay iniulat na winasak ang may 33 kabahayan.
Sa kabila ng insidente, ikinagalak na rin ng mga barangay officials na isa ay walang nasaktan sa insidente.
Sa Lunes, idedeklara ng mga opisyales ang kabuuan ng barangay sa ilalim ng state of calamity.
Napapansin naman ng mga dalubhasa sa lagay ng panahon ang madalas na pananalasa ng buhawi sa ilang parte ng bansa at ito ay palakas ng palakas ang intensity.