DAHIL walang pang-enroll sa kolehiyo, isang bagong graduate na high school student ang nagbigti sa Ilocos Norte kaninang umaga (May 26).
Namatay sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga ang biktimang si Denmark Gabug, 15-anyos residente ng Barangay San Lorenzo, San Nicolas, Ilocos Norte.
Nadiskubre ang insidente dakong 6:05 ng umaga sa loob mismo ng kuwarto ng biktima.
Ayon kay Cynthia, nanay ng biktima na tinapat niya ang kanyang anak na pansamantalang hindi siya makakapag-enroll ngayong first semester dahil hindi pa dumadating ang pera na kanilang hiihintay.
Sa kabila nito, sinabi ng nanay ng biktima na malugod naman na naunawaan ng kanyang anak ang kanyang paliwanag.
Pero lingid sa ginang, sumama pala ang loob ng kanyang anak dahil mapapag-iwanan siya ng kanyang mga kaklase sa high school.
Nadiskubre ang insidente nang hindi magbukas ng pintuan ng kanyang kuwarto ang biktima para magalmusal at nang mabuksan ay nakitang nakabigti ito sa biga ng kisame gamit ang isang nylon cord.