NAGMISTULANG dagat ang isang barangay sa Sta.Ana,Maynila matapos na bumaha mula sa nasirang tubo ng Manila water kaninang madaling araw.
Partikular na naapektuhan nang gabeywang na tubig baha ang F.Roxas St. sa Barangay 892 Zone 99 ng nasabing lugar.
Ayon sa ilang residente, sumabog ang linya ng tubig na sinundan ng pagtagas ng tubig.
Hanggang ngayon ay patuloy na nililimas ang tubig baha.
Maging ang mga kabahayan ay pinasok na rin ng tubig baha.
Nagpalala rin sa sitwasyon ang pagkatumba ng isang poste ng Meralco na posibleng makakuryente pa ng mga residente dahil may live wire pa ito.