Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tatakbong brgy tserman, itinumba

$
0
0

PATAY ang isang 51 anyos na retiradong Philippine Coast Guard (PCG) at tatakbong Barangay Chairman sa Oktubre nang itinumba habang nakaupo sa harapan ng kanilang bahay sa Port Area, Maynila kaninang madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Domingo Ramirez Jr., ng Row 2 Unit 910 Block 9 Habitat, Baseco compound, Port Area, Manila sanhi ng anim na tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na armado ng kalibre .45 na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni SPO2 Milbert Balingan ng MPD-homicide section, dakong 4:20 ng madaling araw nang naganap ang pamamaril sa harapn ng bahay ng biktima.

Nabatid na nakaupo lamang ang biktima sa harapan ng kanilang bahay nang isang armadong suspek ang sumulpot mula sa kanyang likuran at walang habas siyang pinagbabaril.

Nang maisakatuparan ang pakay ay kaswal na tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, mabait at wala silang alam na kaaway ng biktima sa kanilang lugar na planong tumakbo bilang barangay chairman kaya ito ang tinitignang anggulo sa pagpatay.

Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Universal Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>