Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 pang ASG, nalagas sa Sulu fighting

$
0
0

DALAWA pang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) rebels ang iniulat na nalagas kaninang umaga (Mayo 26) kaya sumirit sa 14 ang bilang ng kaswalidad mula sa patuloy na bakbakan sa Sulu province.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr. na nakatanggap sila ng update kaninang umaga  na pitong bandido na ang namatay sa sagupaan.

“Yung initial report, apat, naging lima. This morning the AFP received a report that seven of these lawless elements had been killed,” pahayag ni Tutaan Jr.

Pito naman aniya ang nalagas sa tropa ng military kanilang ang isang opisyal at anim na enlisted men.

Samantala, patuloy aniya ang pagtugis sa mga bandido na umigtad na sa lugar ng engkuwentro dahil na rin sa nagdatingan na ang re-enforcement ng tropa ng militar.

Sa kanila ng mga patuloy na opensiba ng tropang military ay nag-iingay naman para hindi madamay ang mga sibilyan sa palitan ng putok

Nauna rito, sinabi ni Western Mindanao Command spokesman Col. Rodrigo Gregorio na nakasalubong ng mga miyembro ng Philippine Marines ang grupo ng Abu Sayyaf bandits nitong nakaraang Sabado.

Kinilala naman ni Gregorio ang mga napatay na ASG bandits na sina Commander Apong Idol, isang mid-level bandit leader, at Kausar Sawadjaan.

Ang nasabing operasyon aniya ay para iligtas ang dinukot na si Casilda Villarasa, 41, misis ng isang Marine.

Dinukot ng mga bandido si Casilda noong Mayo 8 sa Barangay Asturia sa Jolo, Sulu. Si Casilda, ay isang medical technologist sa Integrated Provincial Health Office sa Jolo.

Kasama niya ang kanyang anak na babae nang tangayin  ng mga bandido pero sa kabutuhang palad ay nakatakas ang 9-anyos na paslit.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>