SUGATAN ang mag-ina matapos masagi ng nakainom na rider sa tapat ng bahay ng mga biktima sa Caloocan City Linggo ng hapon, Mayo 26.
Kapwa ginamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga pinsala sa katawan sina Maria Lunaro, 23, at isang taon gulang na anak na babae at kapwa ng 12th Avenue West ng lungsod.
Nadakip naman ng mga pulis si Teodoro Name, 35 ng A. Mabini st., ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, dala ng suspek ang Rusi (5777-OV) at pagtapat ng sa bahay ng mga Lunaro ay nasagi ang ginang habang karga ang anak na nene.
Nabuwal ang mag-ina na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC kasama ng suspek na sinasabing naka-inom ng alak.