TODAS ang 20-anyos na binata makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa harap ng kanyang nobya sa may Purok Guio, Barangay San Rafael, Isabel a City lalawigan ng Basilan.
Nabatid na magkasamang naglalakad patungong tindahan ang biktimang si Musa Anding Paharillo at ang 13-anyos niyang nobya bandang alas-8:00 kagabi nang barilin ng suspek.
Idineklarang dead on arrival ang biktima bunsod ng grabeng tama ng bala ng baril sa katawan nito.
Narekober sa pinangyarihan ang ilang basyo ng bala ng M14 rifle na ginamit sa krimen.
Base sa inisyal na imbestigasyon, hindi pabor ang mga magulang ng 13-anyos dalagita sa pakikipagrelasyon nito sa pinatay na biktima na isa sa mga tinitingnang anggulo ngayon ng pulisya.