SUGATAN ang isang dalagita habang isa pa ang nawawala matapos lamunin ng apoy ang 55 kabahayan kaninang umaga sa loob ng Artex Compound Panghulo, Malabon City
Ginagamot sa Alfonso Medical Clinic ang biktimang si Baby Caniete 16, dalaga sanhi ng tama sa ulo, habang pinaniniwalaang nakulong sa nasusunog na bahay nawawala pang biktimang si Arnel Alquisalas 30, may asawa ng Pasilio B.
Ayon sa ulat, alas 10:00 kaninang umaga nang lamunin ng apoy ang nasabing kabahayan kung saan 65 pamilya ang nawalang ng tahanan
Nagmula ang sunog sa bahay ng isang Helen Toribio ng Pasilio C matapos mapabayaan ang kalang de kuryente.