UMULAN ng maliliit na butil ng yelo sa ilang bahagi ng Baguio City nitong hapon lamang.
Nabatid na bumuhos muna ang malakas na ulan bago umulan ng yelo.
Paliwanag ng Pagasa, karaniwan ang hail storm kapag nagpapalit ang panahon tulad ng tag-init at tag-ulan.
Bagama’t pambihira ang pag-ulan ng yelo sa bansa, hindi naman ito dapat katakutan.