Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

4 Chinese national timbog sa mga de-kalibreng armas

$
0
0

NASAKOTE ng awtoridad ang apat na Tsino dahil sa pag-iingat ng malalakas na kalibreng armas sa isang checkpoint.

Sa ginawang pagrekisa, nagulat ang  Bureau of  Immigration and Deportation (BID) sa dami ng mga matataas na uri ng armas, bala at explosibo na nahuli mula sa apat na Chinese sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Nahuli ang apat na Chinese sa isang checkpoint  matapos habulin ng mga awtoridad mula sa kanilang pagtakas sa isang nangyaring kaguluhan o pagbasag ng mga bote malapit sa isang gasolinahan sa Brgy. Nagsanga, Pasuquin.

Sakay ng  isang SUV  nang masukol ang mga dayuhan na sina Dang Hoi Yin, Lui Sin, Lei Guang Fen at Dennis Co na siyang driver ng kanilang sasakyan.

Kabilang sa mga nakumpiska ay ang tatlong sub-machine gun, dalawang cal. 45, tatlong 9mm, apat na silencer para sa iba’t ibang uri ng armas, daan-daang bala, walong granada,   isang improvised explosive device (IED) at mga improvised na plaka ng sasakyan.

Sinabi ni Mr. Paul Versoza, chief ng BID sa Ilocos Norte, na posibleng may balak na terroristic activity ang mga nahuling Chinese dahil sa mga dalang armas at pampasabog.

Gayunman, hindi isinasantabi ni Versoza na maliban sa posibleng planong pagpatay ay maaari ring may kidnapping, carnapping o gun running activity ang mga suspek.

Ang apat na pawang walang maipakita na kaukulang dokumento ay nakakulong sa PNP Pasuquin habang isinasagawa pa rin ang masusing imbestigasyon laban sa mga ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129