DAGUPAN CITY- Arestado ang maglive-in partner matapos itong mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa San Carlos City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng San Carlos police ang mga suspek na sina Collin Simeon at Rosalyn Paras, parehong residente ng Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City.
Ayon sa local na police, bago arestuhin ang mga suspek ay nakakuha sila ng isang intelligence report na ang mga ito ay mag-aangkat ng shabu sa nasabing lungsod galing Dagupan.
Sa puntong ito, bumuo agad ang local na police ng grupo upang magsagawa ng buy-bust.
Isang undercover agent ang umaktong shabu buyer at bumili ng droga sa mga suspek gamit ang marked money.
Agad na pinosasan sina Simeon at Paras matapos ibigay ang undetermined amount na shabu sa undercover agent.
Nakakulong ngayon ang mga suspek sa San Carlos detention cell at nahaharap sa kasong Anti-illegal Drug Act.