MAGSASAMPA ng kasong murder ang anak na babae ng isang Taiwanese fisherman na napatay sa shooting incident sa karagatan ng Pilipinas noong Mayo 9 laban sa mga pumatay sa kanyang tatay, ayon sa abugado mula sa Taiwan’s Pingtung district attorney’s office.
“My client Hung Tzu Chien will file murder against who shot her father,” pahayag kaninang umaga (Mayo 29) ni Atty. Chih Ming Hsieh.
Sinabi ng abugado ni Chien na dedesisyunan pa nito kung kakasuhan niya ang taong bumaril sa kanyang tatay, ang taong nagutos o ang lahat ng Philippine Coast Guard (PCG) personnel na nakasakay sa Philippine ship nang maganap ang insidente.
Nitong Martes, nakipagkita ang eight-man National Bureau of Investigation (NBI) team na ipinadala sa Taiwan para mangalap pa ng mga impormasyon kay Chien at sa iba pang mangingisdang sangkot sa May 9 incident, na nagdulot ng sigalot sa pagitan ng dalawang bansa.
Inabot ng halos sampung oras ang pangangalap ng impormasyon sapagkat ang pagkukuwento ng mga mangingisda at katanungan ng NBI ay kinakailangan ng translasyon.
Hiling naman ni Chien, sa mga imbestigador na maging patas at maging impartial sa pagkakasa ng imbestigasyon. Naging emosyunal naman si Chien habang pinasasalamatan niya ang Phililppine media para malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tatay.