BUMULAGTA sa tapat ng bahay ang barangay chairman ng Limpongo, Datu Hoffer town sa Maguindanao matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen noong Martes ng hapon.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Junito Unao.
Wala naman ideya pa ang pulisya kung sino ang may kagagawan ng pamamaslang pero maaga pang sabihin na may kinalaman ito sa nalalapit na barangay election sa Oktubre.
Naganap ang insidente dakong alas -4 ng hapon sa tapat mismo ng bahay ng biktima.
Bago ito, nakatayo ang biktima sa tapat ng kanyang bahay nang biglang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima bago nagsitakas patungong Barangay Tuayan sa Datu Hoffer town.
Nagkasa naman agad ang mga miyembro ng Philippine Army’s 1st Mechanized Battalion ng checkpoint sa lugar para maresto ang mga suspect.