HINIHINALANG kasisilang pa lamang ang isang sanggol na babae nang matagpuan ito kaninang umaga na palutang-lutang sa ilog Pasig dahil nakakabit pa ang “inunan” nito.
Ayon kay SPO1 Richard Escarlan, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng umaga nang makita ng isang hindi nagpakilalang tripulante ng Baliwag tanker ang tinatayang nasa 7-9 buwan na baby.
Hinala ni Escarlan, kapapaanod pa lamang at kasisilang pa lamang sa baby ngunit hindi lang batid kung buhay o patay na itong itinapon sa ilog Pasig sakop ng Sta.Mesa, Maynila.
Ipinagbigay-alam ng tripulante sa nagpapatrolyang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente na siya namang nag-report sa pulisya.
Inilagak ang fetus sa Archangel Funeral Homes para sa safekeeping.