MASANGSANG na ang amoy kaya nadiskubre kaninang umaga ang pagkamatay ng isang 55-anyos na caretaker ng Manila North Cemetery (MNC) sa kanyang barong–barong.
Kinilala ang biktima na si Paulita Ocampo, nakatira sa ST 23 MNC, Aurora Blvd., Maynila.
Sa report ni PO1 Anthony Boncan, may hawak ng kaso, dakong alas- 8:00 ng umaga nang madiskubre ni Anita Meralles,isa ring caretaker ng nabanggit na semeteryo, ang bangkay ng biktima sa barong-barong nito.
Ayon kay Boncan, namamaga na ang mukha ng biktima nang abutan ito sa lugar.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Mayo 27 na pumasok sa kanyang barong-barong upang matulog at mula noon ay hindi na ito muling nakita pang lumabas sa kanyang bahay hanggang
sa makaamoy ng masangsang na amoy si Meralles.
Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na indikasyon na pinatay ito.
Dinala ang bangkay ni Ocampo sa Archangel Funeral Homes para sa awtopsiya.