NAGTUGMA ang dalawa sa 14 na armas na isinumite ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang slug na narekober sa Taiwanese vessel at katawan ng napatay na mangingsida.
Mula ito sa 42 na test slug na dala ng National Bureau of Investigation (NBI) team na galing sa ballistic examination mula sa mga armas sa Maynila.
Ito ang lumabas matapos ang isinagawang cross matching ng NBI team at Taiwan Criminal Investigation Bureau o counterpart ng ahensya gamit ang makabago at high tech equipment.
Hindi naman binanggit kung ano klase ang baril na ginamit na tumugma sa narekober na basyo pero mas madali naman umanong matukoy na kung sino ang nakabaril at nakapatay sa mangingisda noong May 9 sa balintang channel.
Kaugnay nito, pormal na ring nagpalitan ng ebidensya ang NBI at Taiwanese investigator sa mga hawak nilang ebidensya.