DALAWANG sapak ang inabot ng isang ginang dahilan upang mawalan ng malay nang hindi bayaran ang kanyang pinagkakautangan sa Caloocan City Huwebes ng gabi, Mayo 30.
Inoobserbahan pa sa Manila Central University Hospital si Rosie Batistis, 30 ng General Tirona St., Bagong Barrio.
Kusang loob namang sumuko sa mga pulis si Philip Abogado, 33 ng Lapu-Lapu St., ng lungsod.
Sa ulat, alas-8 ng gabi, nakasalubong ng suspek ang biktima sa loob ng North Mall sa Monumento at siningil sa utang.
Hindi nakabayad ang biktima na ikinaasar ng suspek kaya kaliwa’t kanang sinuntok sa mukha ang biktima na naging dahilan upang mawalan ng malay.