NATAGPUANG patay ang isang Irish national sa kanyang mismong bahay sa Saint Anthony Subd., Brgy. Maroroy, Daraga, Albay.
Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktimang si Clement Foley, 80, na pinaniniwalaang inatake sa puso.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na ilang buwan nang nakararanas ng pananakip ng dibdib ang nasabing biktima.
Dinala pa sana sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si Foley, ngunit ito ay idineklara nang dead on arrival.