Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Riding-in-tandem’ na termino ipinagbawal

$
0
0

IPINAGBAWAL na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Leonardo Espina ang paggamit ng kapulisan sa Metro Manila ng terminong “riding-in-tandem” sa mga nahuhuli o napapatay na kriminal na magkaangkas sa iisang motorsiklo sa ilegal  na aktibidad.

Ayon sa hepe ng Public Information Office (PIO) na si Chief Insp. Kimberly Molitas, ang direktiba ni Espina ay batay na rin sa inilabas na kautusan ni  Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima sa isinagawang command conference sa Camp Crame.

Sa paliwanag ni Molitas, nagkakaroon ng diskriminasyon sa iba pang mga inosente at regular na motor riders na nag-aangkas ng pasahero ang katagang “riding-in-tandem” na karaniwan nang naging termino sa mga nahuhuli o napapatay na kriminal.

Dagdag pa nito, nadadamay ang mga inosenteng nagmomotorsiklo na magkaangkas sa taguring “riding-in-tandem” kaya ipagbabawal na ng kapulisan ang ganitong taguri sa mga nahuhuli o napapaslang na kriminal na gumagamit ng motorsiklo.

Inatasan na ni Espina ang mga kapulisan sa Metro Manila na sa oras na may mahuling gumagawa ng ilegal na aktibidad gamit ang motorsiklo ay gamitin na lamang ang direktang termino kung ang mga ito ay holdaper, snatcher o upahang mamamatay tao.

Sa mga nakagawa naman ng krimen na nagawang makatakas, maaaring ilagay sa ulat na tumakas, sakay ng motorsiklo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>