NADAKIP ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang puganteng Koreano na na-convict sa South Korea noong March 20, 2009.
Nasentensiyahan si Yun Shun Wu ng tatlong taong pagkakabilanggo sa Korean Correctional Service sa Gwacheon dahil sa ipinagbabawal na gamot.
Umamin naman ang suspek sa PDEA sa paglabag niya sa Immigration law ng Pilipinas ngunit mariing itinatanggi nito ang kanyang kasong kinasasangkutan sa Korea.
Ayon pa sa PDEA, sinubukan pang suhulan ng Koreano ang kanilang mga ahente na inakala nitong mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) para sana makatakas sa kanyang kaso.