ISA ang namatay habang tatlo ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang isang ten-wheel truck sa isang residential house sa Tagkawayan, Quezon.
Ayon kay Chief Inspector Edcille Canals, Quezon police media relations officer, binabagtas ng truck na patungong Bicol ang pababang pakurbang kalsada sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente nang mawalan ng kontrol ang sasakyan at sumalpok sa isang bahay na malapit sa gilid ng kalsada.
Nakilala ang driver ng trak na si Joffrey Jacob, agad nasawi sa pinangyarihan, habang nagtamo naman ng malubhang sugat ang helper ng nasalpok na bahay na si Richard Perez, at ang mga nakatira na sina Editha Garcia at James David Garcia na agad isinugod sa Maria Lourdes Memorial Hospital sa Tagkawayan.