INIREKLAMO ng pananakit sa kanyang estudyante ang isang guro sa Department of Education (DepEd) action center.
Base sa salaysay ng mga magulang ng 12-anyos na estudyante, hinampas ito ng floor map sa mukha at pinagsisigawan dahil lamang sa nagkamali sa paglilinis noong Brigada Eskwela.
Ayon sa pa sa mga magulang, natatakot ang kanilang anak na pumasok sa pasukan dahil ang nasabing guro ang magiging adviser nito sa Grade 6.
Kinumpirma naman ni DepEd Senior Education Specialist Galileo Go na iniimbestigahan na nila ang nasabing reklamo.