NASAKOTE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga at kabilang sa watchlist sa isinagawang buy-bust operation sa Catbalogan City, Samar.
Kinilala ni PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac Jr. ang nahuling suspek na si Jonathan Tuazon Y Bula, 43 anyos, at residente sa purok 3 Brgyt. 1, Salug District, Catbalogan City.
Nakumpiska kay Tuazon ang 3 sachet ng shabu at ginamit na marked money sa operasyon.
Nasakote si Tuazon ng mga tauhan ni Director Gil Pabilona, ng PDEA RO 7 at ng Regional Special Operation Group (RSOG) .
Si Tuazon ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec.5 at Sec. 11 ng RA 6425.