(UPDATE) Natagpuang buhay pero wala sa sariling katinuan kaninang madaling araw (Hunyo 1) ang isang dalagang dinukot at halinhinang ginahasa ng mga nakamaskarang kalalakihan sa Davao del Norte nitong Biyernes ng gabi.
Isinugod agad sa Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH) para isailalim sa medical examination ang biktimang itinago sa pangalang Adele, 18-anyos residente ng Tuganay, Carmen.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang dalawang suspect na nakasakay sa kulay itim na pick up truck na hindi nakuha ang plaka.
Sa ulat natagpuan ang biktimang nakatulala dakong 4: 35 ng madaling araw sa isang madamong lugar sa Barangay Igpit, Digos City.
Sa salaysay ng biktima, bago ang insidente ay papuntang Tuganay ang biktima at dahil hindi nakakapasok ang pedicab sa kanilang lugar kaya naglakad na lamang ito.
Sa gitna ng paglalakad, bigla aniyang may dumating na pick up truck na may sakay na dalawang kalalakihan at saka siya tinangay bago dinala sa Digos City at doon ay halinhinang ginahasa sa isang palayan.