Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lolang bulag patay sa gaserang nasagi

$
0
0

NALITSON ng buhay ang isang lolang may kapansanan sa mata nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Aklan kaninang 12:15 ng madaling araw (Hunyo 1).

Hindi na halos makilala sanhi ng pagkasunog ng buong katawan ang biktimang si Veronica Nabor, 89-anyos at residente ng Barangay Linabuan Norte, Kalibo, Aklan na nakarekober sa mismong higaan pa nito.

Sinabi ni Fire Inspector Donnie Torre, fire marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP-Kalibo), ang sanhi ng sunog ay dahil sa nabuwal na gasera na gamit na pang-ilaw sa bahay ng biktima.

Ang bahay aniya na pagmamay-ari ng anak ng biktima na si Lucille Fuentes ay gawa sa kongkreto at plywood at maaring nasagi ni Veronica ang naturang gasera sa kanyang pagtayo sa higaan kaya kumalat ang apoy.

Base pa sa impormasyon, mag-isa lamang ang biktima sa loob ng kanyang kwarto at dahil sa katandaan at bulag pa ay hindi na nakalabas ang biktima hanggang sa matupok ng apoy ang bahay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>