Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

14 nasilo sa 2-araw na election gun ban

$
0
0

LABING-APAT katao kabilang ang dalawang empleyado ng gobyerno ang nasilo sa unang dalawang araw pa lamang ng election gun ban, ayon sa ulat kaninang umaga (Enero 16) ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na isa naman ang iniulat na namatay kaugnay sa naturang  gun ban.

Hindi naman idinetalye ni Cerbo ang insidente maliban sa pinaputukan ng napatay na suspect ang mga pulis pero sa pagganti ay nabaril ito sa Batangas province.

Sinabi rin nito na ang nasilo na 14, ang apat sa kanila ay nadakip sa Metro Manila.

Nakumpiska ng pulisya ang may 16 na baril at isang granada sa unang dalawang araw ng gun ban na sinimulan noong nakaraang Linggo, dagdag pa ng ulat.

Sa ilalim ng gun ban, ang awtorisadong magdalangn baruil sa labas ng kanilang bahay ay ang mga law enforcers na nakasuot ng  proper uniform at ang naka-duty sa kanilang posisyon.

Sa panahon ng gun ban, sinuspinde muna ang mga indibidwal na may permits to carry firearms sa labas ng kanilang bahay.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>