INAPRUBAHAN ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang COPLAN (Case Operation Plan) ‘Armado” na naging puno’t dulo ng madugong barilan sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.
Kinumpirma mismo ito ni Supt. Hansel Marantan nang usisain sa kung ano talaga ang naging dahilan sa naganap na shootout.
Kaugnay nito, inamin ni Calabarzon Police Director Chief Supt. James Melad na si Police Chief Supt. Hansel Marantan at ang PAOCC ang nagrekomenda sa paglalagay ng checkpoint sa Maharlika Highway at siya lamang ang pumirma.
Matatandaang naghugas-kamay ang PAOCC, na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa sa nangyaring barilan sa Quezon.