NIYANIG ng mahinang magkasunod na lindol ang Negros Occidental at North Cotabato kaninang madaling araw Hunyo 4, 2013 (Martes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) unang naramdaman ang 2.8 magnitude na lindol sa Silangan Cauayan,Negros Occidental dakong 3:06 ng madaling araw.
Nabatid sa Phivolcs na naitala ang intensity 3 na lindol sa Cauayan, Negros Occidental.
Habang naramdaman naman ang intensity 2 na lindol sa Sipalay at Ilog, Negros Occidental.
Sinabi pa ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at wala naman inaasahang aftershocks at iniulat na napinsala sa naturang lindol.
Samantala, naramdaman naman ang magkasunod na lindol sa Carmen, North Cotabato dakong 4:05 ng umaga kanina.
Ayon sa Phivolcs ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 003 kilometro.
Samantala, kasunod nito naramdaman naman ang 4.2 magnitude na lindol sa Carmen, North Cotabato dakong 4:54 ng madaling araw at ang origin ay tectonic.