SABOG ang ulo ng isang konsehal sa Cebu province nang barilin ng isa sa motorcycle in tandem nitong Lunes ng hapon (June 3).
Dead-on-arrival sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo ang biktimang si Joaquin Banosong, 65-anyos, Argao town councilor.
Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang pumatay sa biktima at kung ano ang motibo pero maaring walang kinalaman ang krimen sa politika dahil matatapos na sa Hunyo 30 ang termino ng biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 4:45 nitong Lunes ng hapon sa tapat mismong ng Argao municipal hall.
Bago ito, kalalabas lamang ng biktima mula sa local council session at pasakay na sa kanyang sasakyan nang lapitan ng suspek at saka pinagbabaril.
Nang makatiyak na masama ang lagay ng tinarget, naglakad ang gunman papunta sa kasamahan nitong naka-motorsiklo at saka sumibat.