KRITIKAL ang isang vendor matapos saksakin ng kasamahan vendor matapos ang pagtatalo dahil ginugulangan ng huli ang una sa pagbabantay sa tindahan sa Caloocan City Martes ng madaling araw.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa tiyan si Jerryco Dalmaceda, 20, stay-in sa Monserat st., Morning Breeze Subd., ng lungsod.
Nadakip naman si Kim Payumo, 17, ng nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-2:15 ng madaling araw, nagtatalo ang biktima at suspek sa nabanggit na lugar dahil mas mahaba ang pagbabantay ni Dalmaceda keysa kay Payumo.
Nakakuha ng boye ang suspek at binasag bago itinarak sa tiyan ng biktima na naging dahilan upang dalhin sa MCU habang nadakip ang suspek ng mga pulis.