TIGBAK sa engkuwentro ang isa sa dalawang kilabot na holdaper habang nakatakas naman ang kasamahan nito nang kumasa sa pulisya sa Sta. Cruz, Laguna kaninang madaling araw (Hunyo 4).
Sinabi ni Laguna police director Senior Superintendent Pascual Muñoz na ang napatay na holdaper ay nakilalang si Joel Anatolan, na ayon sa police record ay natiklo na rin sa kasong robbery.
Hinahanting na ngayon ng Sta Cruz police station ang kasamahan ni Anatolan na siyang nagmamaneho ng motorsiklo at naka-bonnet.
Naganap ang insidente dakong 1:40 ng madaling araw sa isang bisinidad ng Barangay San Jose, Sta. Cruz, Laguna.
Ayon kay Munoz, bago ang insidente, nakatanggap sila ng ulat na may dalawang kalalakihan na lulan sa isang walang plakang motorsiklo ang umiikot-ikot sa Barangay Ogong kahit gabi na.
Nang puntahan ang lugar, humarurot ang mga suspect pero hinabol sila ng mga tauhan ni Munoz patungong Barangay San Jose, hanggang sa paputukan sila ng lalaking angkas sa motorsiklo, at bilang depensa ay gumanti ng putok.
Narekober ng pulisya kay Anatolan ng isang .38-caliber revolver.