SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos halayin ang dalagang kapitbahay na may kapansanan sa pag-iisip sa Caloocan City Lunes ng madaling araw, Hunyo 3.
Nakilala ang suspek na si Poferio Quinlog, 55 ng Kalayaan st., Bagong Barrio ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-5 ng madaling araw, naglalakad ang biktimang edad 21 na level 1 ng special education sa nasabing lugar nang kaladkarin ng suspek at ipasok sa banyo ng kanilang bahay at doon nahalay.
Nang makauwi ang biktima ay nagawang makapagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek.