TINATAYANG 200 aftershocks ang naitala matapos tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa bayan ng Carmen Cotabato kagabi Hunyo 4, 2013 (Martes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang may 221 aftershocks dakong 7:00 ng umaga ng Martes.
Huling naramdaman ang magnitude 3.9 na lindol at naitala ang intensity 2 sa Carmen, dakong 4:00 ng madaling araw kanina.
Marami ring konkretong bahay ang nagkabitak-bitak, bukod pa sa ilang tulay at paaralan na nasira sa pagyanig sa naturang bayan.
Samantala, dakong alas-6:30 ng umaga niyanig naman ng magnitude 4.6 ang Eastern Samar kahapon.
Batay sa report ni Phivolcs Director Renato Solidum, natukoy ang epicenter ng lindol sa lalim na 20 kilometro sa Silangang bahagi ng Llorente, Samar at ang origin ng lindol ay tectonic.
Bunsod nito, naramdaman ang intensity 4 na lindol sa Llorente, Eastern Samar.
Habang naitala naman ang intensity 3 na lindol sa Borangan, Eastern Samar.
At intensity 2 naman sa bayan ng Mercedez; Oras; Dolores; San Policarpio, Eastern Samar.
Naitala naman ang intensity 1 na lindol sa Tacloban City hanggang Palo City.
The post 200 aftershocks naitala sa lindol sa Cotabato, Eastern Samar appeared first on Remate.