NAGPANIC ang mga pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) matapos na magsagawa ng fire drill ang ilang bumbero kaninang umaga sa Taft Avenue, Maynila.
Dakong alas-10:00 ng umaga nang simulan ang pagsasanay ng ilang mga miyembro ng Manila Fire Department bilang paghahanda sa pagkakaroon ng sunog.
Nagtakbuhan ang ilang mga tao sa hospital at bahagyang nagkatensyon at nakaramdam ng takot nang marinig ang serena ng mga bumbero sa lugar.
Kalaunan ay humupa rin ang kanilang tensyon nang malaman na isa lamang pala itong pagsasanay o fire drill.
The post Mga pasyente sa PGH, nagpanic sa fire drill appeared first on Remate.