NAKARATAY pa sa pagamutan ang isang pulis makaraang aksidenteng maputukan ng napulot na baril sa Sorsogon kaninang umaga.
Nakilala ang biktima na si P01 Lyndon Magdamit ng Donsol Municipal Police Station.
Nabatid na alas-9:00 ng umaga, isang concerned citizen ang nagpaabot sa kanilang himpilan ng impormasyon na may natagpuang caliber .22 revolver malapit sa bahay ng barangay kapitan na si Erwin Morales sa bahagi ng Barangay Central, Donsol, nasabing lalawigan.
Dahil dito, agad na rumesponde ang mga awtoridad kung saan napulot ng biktima ang baril at aksidenteng nabitawan kaya pumutok.
Nagtamo ng tama sa likod si Magdamit na agad naisugod sa ospital.
The post Parak naputukan ng napulot na baril appeared first on Remate.