TATLONG local smuggled na sasakyan ang narekober sa Port of Manila mula sa Iligan City ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Iprinisinta sa media ni NBI-NCR Asst. Regional Director Vicente de Guzman, ang tatlong sasakyan kabilang ang dalawang Toyota hi-lux na may plakang NXI-708 at LGL- 413 at isang Starex van na may plakang NXQ-535 na ngayon ay nasa kustodiya ng NBI Headquarters sa Maynila.
Base sa nakuhang “shipping documents” mula sa 2GO shipping, isang Edjuddin Macabuat ang tumatayong shipper ng tatlong sasakyan at naka-consign kay Jamael Edaros.
Ayon kay de Guzman, apat aniya yung carnap na sasakyan subalit maaganap ang driver ng isa sa Fortuner at naitakas ito.
Lumabas sa imbestigasyon na ang naitakas na Fortuner at isang Toyota hi-lux ay pag-aari ni Madamba Lanao, Mayor Dagoroan Mindalano at kapwa nakarehistro sa pangalan ng kanyang misis na si Jalilah.
Isinakay ang mga nabanggit na sasakyan sa isang barko ng 2GO noong Hunyo 3 sa Port of Iligan at idiniretso sa Pier 2 ng Port of Manila.
Ayon kay de Guzman, ibabalik nila sa mga may-ari ang mga narekober na carnap vehicle sa sandaling maiprisinta nila ang mga orihinal na registration.
Dahil naman sa pagkakaroon ng consignee sa nasabing mga sasakyan ay maitututring umano itong local smuggling.
The post 3 local smuggled luxury cars, narekober appeared first on Remate.