NIYANIG ng 3.1 magnitude na lindol ang South Upi, Maguindanao kaninang madaling araw, araw ng Huwebes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol sa kanlurang bahagi ng South Upi, Maguindanao dakong alas-2:54 ng madaling araw kanina.
Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ay 022 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
The post Maguindanao niyanig ng 3.1 magnitude na lindol appeared first on Remate.