TODAS sa aksidente ang isang lalaki habang kritikal naman ang anak nito nang mabagsakan ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang punong nabuwal sa Albay, nitong nakaraang Miyerkules.
Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Enrique Trinidad Sr., 45-anyos, habang nasa kritikal na kondisyon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang kaangkas nitong anak na si Enrique Jr., 22-anyos, kapwa residente ng Barangay Hindi sa bayan ng Bacacay .
Naganap ang insidente dakong alas 8 ng umaga sa isang mapunong lugar sa San Fernando, Sto Domingo, Albay.
Bago ito, angkas ni Enrique Sr. ang kanyang anak na si Enrique Jr sa motorsiklo nang pagsapit sa lugar ay biglang mabuwal ang isang malaking puno at mabagsakan ang mag-ama.
Isasailalim sana sa awtopsiya ang bangkay ng nakakabatang Trinidad, subalit tumanggi ang ama nito sa paniniwala na aksidente lang ang nangyari.
The post Motor nabagsakan ng punong nabuwal, 1 patay, anak kritikal appeared first on Remate.