NABAWI ng isang ginang ang kanyang 5 taong gulang na anak na babae mula sa kanyang dating kinakasama sa Valenzuela City noong Lunes ng hapon.
Kasalukuyan namang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Melandro Antonio, nasa hustong gulang ng F. Reyes Cmpd., Karuhatan ng lungsod.
Batay sa report ng pulisya, dakong alas-5:20 ng hapon, humingi ng tulong si Rizalyn Lacena sa mga pulis upang mabawi ang anak na walang paalam na kinuha ng ama.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek subalit nagtago ito sa kisame kasama ang nene.
Makalipas ang ilang sandali ay hindi nakatiis ang suspek sa kisame at napilitan bumaba na naging dahilan upang mabawi ang nene na mahigit isang linggo na sa suspek.
Nakakuha ang mga pulis ng mga aluminum foil na may bakas ng shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto ang suspek at isailalim sa pagsusuri kung gumagamit ito ng droga.
The post Nene, nabawi sa adik na ama appeared first on Remate.