NAGBIGTI ang isang binatilyo sa loob ng banyo makaraan magtampo sa ina sa Caloocan City Biyernes ng tanghali, Hunyo 13.
Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital si Jordan Rosales, 14, ng Barracks 2, Tala ng lungsod.
Nabatid na nagtampo ang biktima sa kanyang ina na si Mariafe at dakong alas-12:30 ng tanghali nang makitang nakabigti ng sinturon ang binatilyo sa loob ng kanilang banyo.
Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa JRMH kung saan inaalam na kung ano ang dahilan ng pagtatampo ng una.
The post Nagtampo sa ina, binatilyo nagbigti appeared first on Remate.