Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P40-M Harvard University t-shirt, nasamsam

$
0
0

NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P40 milyong halaga ng mga t-shirt na may tatak na ng isang kilalang unibersidad sa isinagawang raid sa isang bodega sa  Tondo, Maynila.

Ayon kay head agent, Dante Jacinto ng NBI Intellectual Property Rights Division, nabatid na umalma ang Harvard University sa patuloy na paggamit ng kanilang pangalan sa mga ginagawang kasuotan o garments dito sa Pilipinas.

Ang pagsalakay ay bunsod ng reklamo na isinampa ng Harvard University sa NBI sa pamamagitan ng kanilang mga abogado mula sa Ortega, Bacorro, Odulio, Calma, at Carbonell Law Office.

Kaugnay nito, agad na sinalakay ng NBI ang isang bodega ng Moreton Corporation sa 656 Padre Rada St., Tondo, Manila kung saan nakumpiska ang 56,796 na piraso ng mga gamit na pangkasuotan na nakalagay sa loob ng 72 sako, na nagkakahalaga ng P40M.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act  8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines ang may-ari ng Moreton Corporation sa Department of Justice.

The post P40-M Harvard University t-shirt, nasamsam appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>