ISANG titser ang natagpuang patay sa loob mismo ng silid-aralan na kanyang pinagtuturuan sa Aklan kaninang umaga.
Nagtamo ng tama ng bala mula sa 12-gauge shotgun sa tiyan ang biktimang si Jose Rimano Yabut, 63-anyos, hiwalay sa asawa at pansamantalang tumutuloy sa isang elementary school sa Barangay Navitas, Malinao, Aklan.
Sinabi ni PO3 Baldomero ng Malinao PNP station, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay.
Ayon sa mga residente, bago ang insidente ay nakarinig sila ng isang putok ng baril habang kasagsagan ng malakas na ulan kagabi.
Sa pag-aakalang mula sa gulong ng sasakyan na pumutok, binalewala nila ang narinig pero kinaumagahan ay biglang umugong ang balita na natagpuang patay si Yabut sanhi ng pagkakabaril.
Nabatid pa nasunugan ng bahay ang biktima may dalawang linggo na ang lumipas kaya pansamantala itong naninirahan sa naturang silid-aralan.
Hindi naman makumpirma pa ng pulisya kung nagbaril sa sarili ang biktima o may bumaril dito.
The post Bangkay ng guro, natagpuan sa silid-aralan appeared first on Remate.