NAHOLDAP ng anim na hindi pa kilalang mga suspek ang establisimyento sa Caloocan City Huwebes ng umaga, Hunyo 13.
Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang pasukin ng mga suspek at tutukan ng mga baril ang mga tauhan ng Maria Clara Marketing sa Maria Clara St., 8th Avenue ng lungsod.
Nakuha ng mga suspek ang P22,800 na nasa bag, alahas at cellphone ng mga empleyado bago nagsitakas.
Inaalam na ng pulisya kung anong grupo ang bumibiktima sa nasabing establisimyento.
The post Establisimyento hinoldap, P22,800 tinangay appeared first on Remate.