HANGGANG ngayon ay wala pa ring desisyon si Pangulong Benigno Aquino III sa naging rekumendasyon ng Department of Justice (DoJ) na sampahan ng kasong criminal at administratibo ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot sa pagpatay sa Taiwanese fisherman na si Hung Tzu Chien.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang rekumendasyon ng DoJ ay “for President’s eyes only”.
“What we can confirm is that the report has been submitted by the Secretary of Justice. But we have not received word on anything about the report. I understand that the report has been for the President’s eyes only. We’ve not seen the recommendations, we are not aware at this point of what the charges are. We will defer any comment on the recommendation for the time being until such time that the President gives us any instructions,” ani Usec. Valte.
Walang ideya si Usec. Valte kung makaka-apekto sa morale ng PCG ang rekumendasyon na sampahan ng kasong administratibo at criminal ang mga sangkot sa pagpatay sa Taiwanese fisherman lalo pa’t ginawa lamang ng mga ito ang kanilang trabaho.
Nauna rito, nagpahayag naman ang anak na babae ni Chien na magsasampa ito ng kasong murder laban sa PCG.
Inamin ni Usec. Valte na hindi siya pamilyar sa judicial system ng Taiwan kaya’t wala siyang maisasagot sa isyung ito.
“That would depend where the venue is. I am not very familiar with the judicial system of Taiwan kung they also subscribe to territoriality as a pre-requisite to criminal action or at least, the venue. Until I get more details on that, we will defer comment,”ayon kay Usec. Valte.
Hindi naman naniniwala ang opisyal na may extradition treaty ang Pilipinas sa Taiwan para umandar ang kasong isasampa ng anak ni Chien laban sa PCG.
“I don’t believe that we do but allow me to double check that. I know that we have a mutual legal assistance agreement of sorts with them, but extradition, I will have to check to with the Department of Justice,” aniya pa rin.
Sa ulat, sinabi ni Atty. Chih Ming Hsieh, abogado mula sa Pingtung district attorney’s office ng Taiwan na naghain ng kasong murder ang anak na babae ni Chien sa layuning panagutin ito sa pagkamatay ng kanyang ama.
“She file murder against who shot her father,” ang pahayag ni Atty. Chih Ming Hsieh.
Sa ngayon ayon kay Atty. Hsieh ay dine-determina ni Chien kung ikakasa nito ang paghahain ng kaso laban sa taong bumaril sa kanyang ama, nag-utos na barilin ang kanyang ama o sa lahat ng Philippine Coast Guard (PCG) personnel na nasa Philippine ship nang mangyari ang insidente.
The post PNoy wala pang desisyon sa kaso ng PCG officials – Usec. Valte appeared first on Remate.