IBINASURA ng Quezon City Court ang motion ni dating Shariff Aguak Mayor Datu Anwar Ampatuan Sr., na alisin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga akusado sa naganap na Nobyembre 23, 2009 “Maguindanao massacre” dahil umano sa kakulangan ng merito.
Sa limang pahinang Omnibus Order ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ibinasura ang motion ng akusadong si Datu Anwar at pinaboran ang motion ng state prosecutors na isalang sa pagdinig ang akusado.
Ayon kay Reyes,base sa ruling ng korte nitong nakalipas na Marso 24, 2010 nakitaan ng dahilan para isama si Anwar sa mga akusado batay sa 56 Amended Information matapos ang isinagawang ebalwasyon ng Joint Resolution nitong nakalipas na Pebrero 5, 2010.
Batay sa korte nakitaan din ng dahilan para idiin ang akusado sa dalawa pang impormasyon sa kautusan nitong nakalipas na Hulyo 21, 2010 at Mayo 22, 2013.
“There being no additional document submitted by accused-movant to refute the finding of probable cause not only by the panel of investigating prosecutors as well as this Court, it is of view that no cogent reason exists to reverse such finding,” batay sa kautusan.
Nabatid pa sa korte na ang iba pang isyu na subject ng motion ng akusado ay kabilang na sa mga ebidensya na maaaring talakayin na lamang sa paglilitis ng kaso.
Hiniling ni Anwar sa korte na ibasura ang kasong isinampa laban sa kanya upang maibasura ang warrant of arrest at palayain ito sa pagkakapiit.
The post Motion ni Ampatuan Sr., ibinasura ng korte appeared first on Remate.