ARESTADO ang 41-anyos na Koreano matapos maaresto dahil sa hindi pagbabayad ng hotel bills sa Malate, Maynila.
Kinilala ang suspek na si Roy Kim, nagbebenta ng cell phone sa pamamagitan ng internet at naunuluyan sa Quirino Ave., Malate, Maynila.
Si Kim ay inaresto dahil sa reklamo ni Jerick Batalla, 23, Room Attendant ng Victoria Court sa Malate, Manila.
Sa report ni SPO1 James Poso ng MPD-General Assignment Section (GAS) noong June 14, 2013, alas-10:30 ng umaga nang bitbitin ang biktima palabas sa Room 76 ng Victoria Court.
Ayon kay Batalla, nagcheck-in ang suspek at kasama nitong Koreano dakong 7:17 ng umaga noong June 13.
Makalipas ng isang araw, lumabas ang kasama ng suspek at tinanong ng pamunuan kung mag-extend sila gayunman sinabi ng huli na mayroon pa itong kasama sa loob.
Kaninang umaga ay tinawagan na ng pamunuan ng Victoria Court ang kuwarto ng suspek at sinabihang kinakailangan muna nilang magbayad ng isang araw para sa kanilang pananatili sa loob gayunman, tumanggi na umanong magbayad ang suspek dahilan pang i-report ito sa pulisya.
Nang nagtungo sina SPO1 Francisco Frado, PO3 Rico Balines at PO1 Mark Mentes upang arestuhin ang suspek ay tumanggi umanong umalis sa kuwarto dahilan upang bitbitin ito palabas at idineretso sa MPD Headquartes.
Tumanggi naman ang naarestong suspek na magbayad ng hotel bills na umaabot sa P3,345 dahil hindi umano siya ang nag-check in sa motel kundi ang kasamahan niya at nagtungo lamang siya doon dakong 8:00 ng gabi upang dalawin sila subalit iniwanan sila at hindi na bumalik.
Nabatid na 3 taon nang naninirahan ang suspek sa Pilipinas.
The post Koreano binitbit sa di pagbabayad ng hotel bills appeared first on Remate.