LOVE triangle ang sinisilip na motibo ng pulisya sa pag-shot gun sa isang lolo sa La Union nitong Sabado ng gabi (Hunyo 15).
Tama ng bala ng improvised shotgun sa likod ng katawan ang ikinamatay ni Eudebio Rafanan, 54, ng San Gabriel, La Union.
Hindi naman ibinunyag pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek alinsunod sa ikakasang pagtugis laban dito.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:35 nitong Sabado ng gabi sa isang bisinidad sa bayan ng San Gabriel.
Ayon kay Senior Inspector Granny Gabriel, bago ang insidente ay pauwi na ang biktima mula sa pagdalaw sa isang babae na nililigawan nito.
Pagsapit sa lugar, biglang sumulpot ang salarin sa likod ng biktima at saka pinaputukan ito ng improvised shot gun.
Hinala naman ng pulisya na wala talagang balak ang suspek na patayin ang biktima at kaya lamang pinatamaan ito ay para takutin lang.
The post Lolo utas sa away pag-ibig sa La Union appeared first on Remate.