TINATAYANG lalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Emong sa Huwebes habang nananatili ang lakas nito at patuloy na kumikilos pa-hilaga ng bansa, ayon sa Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather bulletin ng PAGASA, alas-11:00 kagabi (Lunes), namataan ang sentro ng bagyo sa layong 340 km silangan ng Daet, Camarines Norte.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 km per hour (kph) malapit sa gitna at kumikilos pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 9kph.
Wala pang direktang epekto sa bansa si Emong pero pinag-iibayo nito ang Habagat na siyang magpapaulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Kung magpapatuloy ang paggalaw ni Emong ay posibleng makalabas na ito ng PAR sa Huwebes o Biyernes.
The post Bagyong Emong lalabas na ng bansa sa Huwebes appeared first on Remate.