LIMANG holdaper ang nalagas sa magkahiwalay na engkuwentro laban sa pulisya sa Quezon City kaninang madaling araw (Hunyo 21).
Sa Fairview, tatlong miyembro ng Ozamiz Waray-Waray gang ang napatay nang makipaghabulan at makipagbarilan sa pulisya.
Ayon sa ulat, ang tatlong hindi nakikilalang suspect na lulan sa motorsiklo ay tinangkang lampasan ang isang police checkpoint sa Fairview.
Inaalam na ngayon ng pulisya ang pagkakasangkot ng napatay na mga suspect sa nakaraang holdapan at kidnapping activities.
Sa hiwalay na engkuwentro, napatay naman ng pulisya ang dalawang kalalakihan na nangholdap sa isang pasaherong jeep malapit sa kanto ng E. Rodriguez at Gilmore Streets.
Sinabi ng Quezon City Police Dsitrict (QCPD) na isa sa kanilang patrol teams ang nakatiyempo sa dalawang holdaper ilan sandali lang matapos holdapin nila ang mga pasahero ng dyip.
Nang makita naman ng dalawang hindi nakikilalang holdaper ang mga pulis, pinaputukan nila ang mgabito na gumanti ng putok.
The post 2 engkuwentro sa QC, 5 holdaper lagas appeared first on Remate.