Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Negosyante nanikip ang dibdib, dedo

$
0
0

PATAY ang isang 75-anyos na negosyante nang magsikip ang dibdib habang nakaupo sa underpass sa Quiapo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si James Cullen, 75, negosyante, ng 735 Matapang St., Quiapo, Maynila.

Sa report ni SPO1 Richard Escarlan ng MPD homicide, alas-6:20 ng kagabi nang sumpungin ng paninikip ng dibdib ang biktima.

Nabatid na nakaupo sa naturang underpass si Cullen nang mapuna ng isang Jake Cuevas na hirap umano sa paghinga ang biktima kaya agad na tumawag ng taxi at dinala sa naturang ospital.

Gayunman, pagdating sa pagamutan ay dineklara ng surgeon on duty na si Dr. Gerald Rolluqui na dead on arrival na ang matanda.

Hinanap naman ng pulisya ang sinasabing Jake Cuevas na tumulong sa biktima na madala sa ospital subalit hindi na matunton.

The post Negosyante nanikip ang dibdib, dedo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129